3/26/2010
3/18/2010
Isang Gabay Sa Pagboto
Halalan 2010
Pastoral Letter of the Archbishop and Bishops
Manila Metropolitan Ecclesiastical Province
Sa darating na ika-10 ng Mayo 2010, malayang pipili ang mga Pilipino ng mga pinuno na inaasahang maglilingkod sa bayan at magkakaroon ng pananagutang paglingkuran ang mga mamamayan ng Republika ng Pilpinas. Ang isang malayang halalan ay nangangahulugang walang marahas na pamimilit, pagbabanta at panunuhol upang manghikayat at bumili ng boto. Napatunayan ng natin na ang labis na paggugol ng salapi sa pangangampanya ay hindi katiyakan ng mabuti at tapat na pamamahala.
Sa pagpili ng mga pinuno, kailangan pag-aralan, suriin at paghambingin ang mga katangian ng mga kandidato at isaalang-alang ang mga pangangailangan at mga isyu na bumabagabag sa ating bansa ngayon. Ang kahirapan at katiwalian sa pamahalaan ang dalawang pinakamatinding isyu ng matagal ng sumisira sa ating bayan. Ang dalawang ito’y magkatambal na pumpipinsala sa ating bayan. Habang lumalabis ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, lumalala naman ang karukhaan.
Nagsisimula ang responsableng pagboto sa pagsasama-sama ng mga mamamayan upang talakaying ang mga kinakailangang katangian para sa tapat na pamamahala at suriin and karangalan ng mga kumakandidato sa halalan.
Kabilang sa mga kandidatong susuriin ng mga grupong ito ay mga taong may takot sa Diyos, matuwid ang pamumuhay, hindi lulong sa bisyo, nagtataguyod sa buhay at kabanalan nito, pampalagian at tunay na kaibigan ng mga dukha, nakikiisa sa pag-iingat ng kalikasan, payak at mapagkumbaba, at halimbawa ng pagiging mabuting Pilipino.
Hindi lamang tungkulin ng mga tapat na mamamayang ito ang pagsusuri ng mga kandidato at pagtimbang sa kanilang mga pansariling pasya. Kailangan di nilang magkaisa sa panalanging upang hilingin sa Panginoon na gabayan sila sa knailang pagpili at pagpapasya. Kailangan nating manalangin para sa mapayapang halalan at nagkakaisang bayan bago, habang at pagkatapos ng halalan.
Pagpalain at patnubayan nawa ng Panginoon at ng Mahal na Ina an gating byan sapagkat batid nily na bilang isang bayang may takot sa Diyos, mahal natin ang ating mga kababayan.
Sumaating nawa lagi ang pag-ibig at pagpapala ng Panginoon?
Ika-14 ng Marso 2010, Ika-apat ng Linggo ng Kuwaresma.
Nilagdaan ng Arsobispo at mga Obispo ng Manila Metropolitan Ecclesiastical Province.
Read also:
* Who is the big spender Cardinal Rosales and the Bishops referred to?
* Ang Isa Sa Pinakapangunahing Mga Sanhi Ng Kurapsyon
----------
Ang talamak na bilihan at bentahan ng boto sa mismong iilang mga araw bago ang takdang araw ng eleksyon ay ang pinakamahirap pa ring pigilin pagdating sa mga sari-saring sakit ng ating lipunan na may kinalaman sa mga panglalamang at pandaraya sa eleksyon na nakasanayan na at ugali na ng walang-konsensyang mga politiko at makasariling mga botante.
Alalahanin na kahit gaano pa kaayos at kagaling na "Automated Election System" ang maaaring maipapatupad ng Comelec, hindi pa rin kaya nitong mapigil ang "vote buying/bribery". Hindi makabagong sistema ng pagboto ang makapagpigil nito kundi tamang moralidad na dulot ng tunay na "reverence" sa kadikalaan at pag-ibig ng Diyos. Ang bagay na ito (ang pagbabago sa puso at isipan ng tao) ay pangunahing nasa kamay ng mga alagad ng simbahan ang responsibilidad.
Baka kung hindi lang sana nagkulang at nagpabaya ang mga alagad ng simbahan (Ke katoliko man o hindi), baka hindi na sana kailangang mangyari pa na may mga iilan sa kanilang hanay ang makaisip tumakbo sa mga eleksyon. At baka hindi na rin kailangan pa nila mismong makialam at makisawsaw sa bawat isyu na may kinalaman sa tunay na moralidad dahil kaya na ng mga mamamayan hawakan at ipagtanggol ang kung ano ang dapat at tamang mga bagay.
Halos dalawang buwan pa bago ang nakatakdang araw ng pabgoto. May panahon pa para maituwid ang maling nakasanayang ugali at pag-iisip ng ating lipunan.

3/12/2010
Sana hindi mangyari ang mga ganito sa ating unang subok sa A.E.S.
There is vulnerability in any electronic voting machine's internal operation of being taken over and controlled by some malicious computer code that may be successfully introduced into the system through some unexpected or unseen possible breach in its security features, or through an inside job cheating motivated by dishonest interested group(s).
See also: A Voting Machine Security Vulnerability Analysis
VoterGate
Kumusta na kaya ang pagsusuri ng mga dalubhasa sa computer sa "source code" na gagamitin sa mga makinang PCOS para sa ating kauna-unahang A.E.S. (Automated Election System)?
Kumusta na rin kaya ang unresolved issue tungkol sa system audit na itinanong ni Ricky Carandang sa Comelec noong isinagawang election automation forum sa ABS-CBN noong nakaraang buwan?

3/08/2010
Ang Isa Sa Pinakapangunahing Mga Sanhi Ng Kurapsyon
.
----------
A comment from a reader of PhilStar.com:
Advertisement spending from | |
Candidate | Ad Spending |
Senator Manuel Villar | P 1.20 Billion |
Former Defense Secretary Gilbert Teodoro | P 472.80 Million |
Senator Benigno Aquino III | P 357.58 Million |
Senator Richard Gordon | P 245.90 Million |
Brother Eduardo Villanueva | P 103.00 Million |
Former President Joseph Estrada | P 92.70 Million |
Total of all candidates | P 2.50 Billion |
Source: Pera't Pulitika, AGB Nielsen media research group |
----------
A comment from a reader of PhilStar.com:
"wala yatang limit kabayan sa tv adds kasi so far sky is the limit sa isang kandidato...at wala namang umaangal sa mga kalaban...kaya nga kung meron kang pera sa pinas you can buy a post sa gobyerno (kasama na ang president post)...iniisip ko nga iyon kahit na gaano sya kayaman kung half of that money ay gagastusin sa loob lang ng 6 months (hard earned money ito (sana)) masakit na rin sa bulsa ito pag tapos ng kampanya..okay lang kung matalo dahil that is the end of it eh paano kung manalo... dahil pwedeng bumalik ang nagastos sa paraan na hindi maganda...only FOOL can beleive na hindi nya babawiin ang mga nagastos nya sa eleksyon kapag nanalo sya...sabi nya gusto nyang tulungan ang mga pinoy his campaign expenses can pay for 40,000 classrooms to solve the shortage plus, create a micro lending fund that can generate 3.2 million jobs. I know it's his money pero....wasting billions in just couple of months is alarming..."
3/07/2010
Sino-sino Kaya Ang Mga Dapat Unang Sumagot Sa Katanungang Ito?
.
Basahin din:
* Ang medya, e sino'ng "iihaw" nito?
* Ano Na Ngayon?
.
Di kaya mas dapat ang unang sumagot nito ay yaon mismong mga pinagsimulan ng katanungang ito? Hindi ba nila naisip na nailagay nila ang sarili nila sa isang "awkward" na kalagayan dahil sa pagtatanong nila sa katanungang ito?
Bago maniwala ang taombayan sa sinseridad ng kilusang "Ako Ang Simula", siguro dapat patunayan muna sa mga tagapasimuno nito na wala silang kinakatigan na kandidato. Sa tuno ng kanilang katanungan, hindi ba na [parang] may partikular na kandidato silang pinatatamaan? Hindi bali na may tunong patama ang kanilang katanungan kung sana noong una pa bago pa nagsimula ang opisyal na yugto ng pangangampanya ay sila mismo noon pa lang ay di na sana nila pinayagan sa kanilang mga hintilan ang mga politikal "posters, ads and other propaganda" ng mga kandidato dahil bawal pa noon kasi wala pa sa tamang panahon.
Oo, hindi nga illegal (bagama't hindi tama) ang gawaing ito na nakasanayan na ng mapagsamantalang tradisyonal na mga politiko at mga organisasyon ng medya dahil iniikutan lamang nila ang kahinaan ng batas. Oo, naiintindihan nating lahat na kailangang kumita ang mga media organizations dahil ang mga ito ay negosyo at ang mga "posters, ads and other propaganda" ng mga kandidatong ito ay malaking pagkakataon ng kanilang mga negosyo na kumita ng husto. Peru baka ang hindi na-realize ng karamihan sa mga medya organizations na ito ay ang masamang katumbas sa kanilang ginawa, ang unti-unting pagkalagas ng kanilang pinakamahalagang "asset" -- ang kanilang kredibilidad na nagmula sa kanilang "moral ascendancy" bilang bantay ng bayan.
May pinasisimunoan silang isang adbokasiya para sa pagbabago ng bayan na magsisimula sa mga sari-sarili ng bawat mamayan. Kabilang nito ay ang pagbabago laban sa pangunahing suliranin ng mga numumuno sa ating bansa, ang korupsyon. Kabahagi ng kanilang pangunahing mensahe ay ang pagbabago sa sarili, na dapat bawat sarili ay iwaksi ang mentalidad ng korupsyon.
Ngunit ngayon, anong klaseng "moral ascendancy" mayroon kaya silang natitirang pwede pa nilang mapanghawakan para kapanipaniwala silang makapagtanong sa taombayan sa uri ng katanungang kanilang binitiwan? Sa katanungang kanilang itinanong, hindi ba nagmukha silang parang hipokrito?
Ang kredibilidad ng isang media institution, ay dapat hindi ipagbili sa kikitain ng mga "posters, ads and other propaganda" sa hindi tamang paraan at panahon -- lalo na kung ang kanilang kikitain ay galing sa [mga] politikong kanila palang kailangang patatamaan ng [mga] katanungan sa bandang huli.
Ako Ang Simula... Hmmm... Simula kaya ng ano?

Subscribe to:
Posts (Atom)