8/06/2009

Ano Na Ngayon?


"E, ano na ngayon?", "Anong kasunod?"

Pagkatapos nitong isa na namang mahalaga at makasaysayang pangyayari sa ating bansa, sana hindi maitanong sa atin nang mga taga labas-bansa na maiging nagmamasid sa atin ang mga naunang katanungan na iyon na para bang nanonood lamang ng isang tele-nobela. Huwag sana tayong taombayan maging taga pagpanood lamang sa mga pangyayari ng ating bansa. Huwag sanang hanggang pakikipaglibing kay Cory lang ang kaya at gusto nating gawin. Sana di lang sa salita tayo maging magaling kundi lalo na sa gawa din.

Patunayan natin kahit man lang sa ating mga sarili na karapat-dapat tayo sa kalidad ng sakripisyo na inialay sa atin nina Ninoy at Cory at pipilitin nating kakayaning ipagpatuloy ang tunay na diwa ng kanilang sinimulang pakikibaka. Sila noon (at ang iba pang mga katulad nila) ang nagtatag sa pinagbagong pondasyon ng ating demokrasya, tayo naman ngayon ang magpatuloy sa paggawa ng dapat susunod na mga bahagi nito. Nasa ating mga kamay na ngayon ipinasa ang ilaw ng pag-asa ng ating bansa. Kung kinaya ng isang maybahay na byuda ang hamon ng pagsubok na ito, e tayo di ba dapat kakayanin din natin?

Ang isang batang maliit na nagsimulang matotong lumakad sa sarili niyang mga paa ay mas madaling makalakad ng maayos kung ito ay pagtatanggalan ng mga bagay na palagi na lang niyang kinakapitan tuwing siya ay hahakbang. Si Cory ay naging parang isang bagay na lagi na lang nating kinakapitan kahit pa hanggang sa kahuli-hulihang saglit ng kanyang buhay -- na dapat siya na sana ang nakakapit sa ating lakas sa mga panahong ito at siya dapat ay nagtatamasa na sa mga bunga ng kanyang itinanim na sakripisyo na noon pang nakalipas na dalawang dekada.

Ngayon sa pagpanaw ng ating kinikilalang dilaw na bayani at ina ng ating pinagbagong demokrasya, dumating na ang panahon at di na natin maiiwasan pa na kailangang-kailangang pipilitin na natin ang ating mga sarili na tumayong matuwid at lumakad ng maayos sa bawat na ating hakbang patungo sa tunay na pagbabago na ginamit ang lakas ng sarili nating mga paa at wala ng kinakapitan pa.

Peru, talaga bang natoto na tayo? Talaga bang isina-isip at isina-puso natin ang uri ng pagbabago na sinimulan at ipinaglaban nina Ninoy at Cory? Mahigit dalawang dekada na mula nang makalaya tayo sa talikala ng mapang-aping pamumuno at sa bolok na mga politiko na sumisira sa ating demokrasya, ngunit hanggang ngayon nararanasang-nararanasan pa rin natin ang marami sa nitong dati pang uri ng di-dapat na mga gawi at di-tama na mga gawain. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin natin magawang iwasto kahit man lang ang unang dapat at tamang hakbang patungo sa tunay na pagbabago -- pagbabago na dapat matagal na sanang nagsisimula sa ating mga sari-sarili?

May isang pambatang palabas sa telebesyon noong araw, sabi: "E kasi poto! Heto si mayamang gago bibili daw ng poto, nalaman ni pobreng loko kaya pinatolan nya ito at ibininta ang kanyang poto sa sobrang labis na halaga. Inisip ng pobre na naloko nya si mayaman, inisip naman ni mayaman na nagago nya ang pobre, ngunit ang katunayan, lokong-loko at gagong-gago ang kanilang mga sari-sariling poto-poto dahil peke pala ang potong binili ng pekeng pambayad." (Basahin ulit ang estorya. Palitan mo ng titik "b" ang titik "p" ng salitang "poto".)

Ano ba itong unang hakbang tungo sa tunay na pagbabago na kailangang magsisimula sa ating mga sarili? Ano ang hinala mo kababayan? Tama ka. Oo, katapatan o ang pagiging matapat! Simpleng bagay, subalit kay hirap angkinin sa ating mga sarili. Sa kawalan ng katapatan sa karamihan sa ating mga politiko at sa nakararami sa atin mismo na mga botante, kay raming halalan na ang nawalan ng kredibilidad. Sa halip na maiayos ang ating gobyerno, e lalo pa itong gumugulo dahil mga tiwaling politiko ay di-akmang nailalagay sa ibat-ibang mga puwesto ng gobyerno dahil lamang sa kawalan ng katapatan sa karamihan ng ating mga politiko at ng mga botante. Ang bolok na sambayanan ay dulot ng katiwalian, katiwalian na nag-ugat sa pagiging hindi matapat sa sarili.

Katapatan, ito ay isa lamang sa mga hakbangin na ating kailangang gawin kung talagang gusto nating makamit ang tunay na pagbabago sa ating bansa na kay tagal na nating mithi. Ang katapatan ay isa sa mga pangunahing haligi nang isang maunlad at mapayapang sambayanan. Ito ang pinakasusunod na bagay na kailangang wastong mailagay natin sa ibabaw ng pinagbagong pondasyon na itinatag ng dugo ni Ninoy at ng sakripisyo ni Cory. Ang katapatan na isinasabuhay ni Cory ay isa sa kanyang mga katangian na dapat nating tuluran lahat upang tuluyang makaahon na tayo mula sa pagkalogmok sa malapot na malapot na putikan ng katiwalian. Sa kahit anumang bagay na pagsisikapang tuparin, di mawawala na may kailangang unang hakbang na dapat gawin, at karaniwan, ang unang hakbang ang siyang pinakamahirap gawin sa lahat ng mga hakbangin. Nngunit kung mapagtagumpayan natin kahit iyon lang munang pinakaunang hakbangin na iyon, hindi na masyadong mahirap tuparin ang mga susunod pang mga hakbangin.

Sa di-kalayuang darating na panahon ay magkaroon tayo ng isa na namang mahalagang pontong paikotan ng ating kasaysayan. Kaya habang may sapat pa na panahon bago mangyari yon, sana simulan na natin ang dapat nating gawing pagbabago sa ating mga sarili. Magiging matapat na tayo sa pagtupad maski pa sa maliliit na mga bagay na may kinalaman sa darating na eleksyon. May mga munting bagay na patungkol sa eleksyon na hindi pa sa kasalokoyan lumalabag sa batas ngunit di-dapat at di-akma na pagkunan ng bentaha ng ating mga mayayaman na mga politiko para makalamang sila ng katanyagan laban sa ibang mga politiko.

May iilan sa ating mga politiko na kahit hindi pa nagsisimula ang opisyal na yugto ng panahon ng pagangampanya ay nagsisimula nang magpalabas ng mga patalastas sa mga pangunahing estasyon ng telebesyon at radyo na pangsambayanan. Katuwiran nila sa ginawa nilang ito, hindi pa raw sila nangangampanya dahil walang katagang "iboto sila" ang mababasa o maririnig sa kahit saan sa kanilang mga ipinalalabas na mga pampolitkang patalastas at hindi pa raw sila nag-file ng kanilang kandidatura sa Comelec. Tunay nga na wala ang mga katagang iyon at totoong hindi pa sila nag-file ng kandidatura sa Comelec, ngunit halata na ang kanilang ginagawa ay isang paraan ng pag-ilag sa ating mahina na batas pang-eleksyon. Kung pabayaan lang natin at ipag bali wala lang ang mga ganitong uri ng gawain ng iilan sa ating mga politiko, e papaano natin mapagsimulan sa ating sarili ang unang hakbang patungo sa tunay na pagbabago kung sa pagdating sa pagiging matapat ay di natin kayang gawin. Paano matatawag na walang bahid ng walang-katapatan itong nakasanayan na na gawi ng mga palagian na mga politiko? At kayo namang mga taga "media" magbubulag-bulagan ba lang kayo at tuluyang kokonsentehin ang bagay na ito dahil kikita kayo ng husto sa mga malalaking ibinabayad ng mga politikong ito sa halos araw-araw na pagpapalabas ng kanilang mga patalastas sa mga hintilan ninyo?

Dahil sa kayo mga taga "media" ang dapat ay taga bantay laban sa mga kamalian ng ating bayan, naman ay di sana kayong mag atobiling iwasto at itama ang mga maling nakasanayan na na gawain nang mga politiko. Hindi sana kayo papayag sa ganitong bagay kung hindi pa ang takdang panahon ng pangangampanya. Marahil maliit na bagay lamang ito para sa inyo mga mapagpalagay nating matitino na mga politiko at mga taga "media" at pwede lang ipag walang-bahala, ngunit minsan ang katapatan ng loob ay masusukat sa mga maliliit na mga bagay na ipinag walang-bahala.

Sumasa-atin sana ang pagka matapat ni pangulong Cory -- at sana hindi lamang sa salita, subalit lalo na sa gawa.

Ngayong wala na ang ating kinakapitan na lakas, e ano na ngayon? Anong susunod? Maghihintay ba lamang tayo sa kung ano ang mangyayari sa ating bayan, o kikilos tayo na baguhin unang-una ang ating mga sarili upang may mangyayari sa ating bayan?

Kababayan, nasa sayo at sa akin na ngayon ang ipinasa ni Cory na ilaw, anong gagawin mo?