8/25/2009

Siguruhin Nating Walang Uubrang Anumang Pandaraya

.

.
Napakaliit lamang ng posibilidad na titirik ang mga makinang gagamitin sa sistemang ito. Halos imposible sa sinumang mga taga-labas na kayang magawang dayain ang AES-2010 dahil sa napaka abante ang teknolohiya na ginamit nito.

Subalit kapag sakaling ang grupong nangangasiwa ng sistemang ito ay sila mismong gagawa ng pandaraya, hindi ito imposible at hindi ito masyadong mahirap gawin, at dahil lahat ay naka-automate, hinding-hindi ito mahahalata at malalaman ng taongbayan maliban lamang kung isa sa kanila ang magbunyag.

Kaya hangga't maari, kailangang-kailangan na babantayan natin ang mismong mga nangangasiwa ng sistemang ito. Wag sana tayong maging tamad at pabaya tungkol dito. Wag lang natin pabayang iasa sa kanilang kridibilidad ang pag-asa ng tagumpay nitong napakagandang simula ng pagbabago ng ating napakaluma at bolok na sistemang panghalalan.

Ang pinaka-sentro at pinaka-utak ng sistemang ito ay ang mga "software" o "program" na siyang nagpapatakbo at nag-kokontrol sa lahat ng mga makinang gagamitin. Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa alam ng taombayan kung mayron ba o wala bang sekretong inilagay na bahagi ng "program" na maaring gagamitin sa pandaraya. Kaya, napakahalagang masuri na sana ng mga dalubhasa sa computer sa lalong madaling panahon ang ibat-ibang mga "program source codes" na ito. At sana ang mga dalubhasang susuri ay yaong panig at tapat sa taombayan.

May isa pang mahalagang bagay. Maliban na itigil na ng taombayan at mga politiko ang masamang nakasanayan na na gawaing pagbinta at pagbili ng mga boto tuwing eleksyon, wala ring saysay ang pag-automate sa proseso ng ating halalan, kasi dahil sa tukso ng pera, maaaring ang tiwaleng mga politiko pa rin ang silang mananaig. E kung ganito ang mangyari, ginawa lang nating mas mabilis ang pagpasok ng tiwaleng mga politiko sa ibat-ibang katungkulan sa ating pamahalaan, at sa kalaunan, wala ring tunay na pagbabago ang mangyayari sa ating bansa dahil mga kurakot pa rin ang mamumuno sa atin.