3/18/2016

Similarity between TelCos and Politicians in the Philippines

.


Ang mga advertisements ng mga TelCos ay kahalintulad din sa mga political advertisements ng mga kandidato na saksak-sarado ng mga super-pangako (halos parang isang binata na nanliligaw sa isang dalaga na pati buwan ay pinapangakong ibigay sa sinisinta). Ngunit pag sa totohanan na ay di pala talaga nila kayang tuparin at ibigay ang kanilang mga pinapangako.

Sa gitna ng mga kapalpakan ng kanilang mga pangako, tayo namang mga TelCo customers at mga mamamayan, ay nagmumukhang parang isang "abused and frustrated" na sinisinta. Hanggang pagkagalit at pagtatampo na lang ang maisusukli laban sa mga TelCos at mga Politiko.

Sa harap ng mga dambuhala at maimpluwensyang mga TelCos na ito, ang NTC natin ay nagmumukhang parang isang police na taga-lunsod noong sinaunang panahon. Kung may baril man, wala namang bala. Kung may bala man, expired naman ang pulbura. Hindi nila kayang labanan ang mga ginagawa ng mga TelCos dahil ill-equipped sila both in terms of pertinent laws and political will.

Mga TelCos, advertise pa more!
Mga Politiko, promise pa more!
Mga customers at mga mamamayan, galit pa more!