8/22/2018

On our hatred for the leaders and their offspring



Children shall not bear the iniquity of their parents, and neither shall the parents bear the iniquity of their children. (Ezekiel 18:20)

Every soul is accountable only for his/her own iniquities.

Walang pangulong nais mamuno na ang tanging pakay lamang ay kasamaan para sa kanyang mga masasakupan. At wala ring sino mang taong pinuno na, kahit gaano pa man ka mabait, ay hindi makakagawa ng pagkakamali. Marami sa kanila ay makakagawa o nakakagawa ng pagkakamaling hindi makakabuti o hindi nakakabuti sa kanilang mga nasasakupan at sa bayan.

Sa madaling salita, ang bawat pamumuno, kahit sino mang namumuno at kahit anumang uri ng pagpapatakbo ng pamumuno, kahit papano ay may dulot na mga kabutihan at gayundin mga bagay na hindi nakakabuti. KayĆ¢, yaposin at ikalulugod natin ang mga kabutihang dulot ng isang pamumuno. Subalit ang mga bagay ng isang pamumuno na hindi nakakadulot ng kabutihan ay ating ituro, punain, at iwaksi, habang sa ating mga sari-sariling kakayahan ay tutulong tayo sa paghahanap ng mga pamamaraang makakabuti sa lahat at sa bayan.

Kahit sa kasalukoyan, may marami-raming bilang pa rin ng ating mga kababayan na hanggang ngayon ay may natitira pa ring mga pagsusuklam sa pamumuno ng dating pangulong Ferdinand Marcos dahil sa mga bagay na nagawa o ginawa ng kanyang pamunuan na hindi nagdulot ng kabutihan sa ating bansa. Pero hindi ibig sabihin na ang mga kamaliang nagawa o ginawa ng Tatay at ng Nanay ng mga Marcos ay kamalian na rin ng mga anak na mga Marcos. Kahit pa na ang mga anak ay dugo ng mga Marcos, hinding-hindi pa rin tama na salinan at kargahan din ang mga anak ng paratang ng masamang reputasyon na napala ng kanilang mga magulang.

Totoo na, sa laman, ang bawat tao ay dugong-dugo ng kanilang mga magulang. Ngunit napakatotoo rin na hindi lang sa linya ng dugo nagmumula ang kasamaan o kabutihan ng tao. Bawat tao ay may sariling espiritu at pag-iisip. Kung ang espiritu ng kabutihan ay galing sa Maykapal, at kung ang tao ay hinawi ng Maykapal sa kanyang kaanyuhan at kahalintulad at hiningaan niya ito at sinalinan niya ng Kanyang Espiritu ang katawan nito para magkaroon ito ng buhay, sa madaling sabi, ang bawat tao ay may espiritu na nanggaling sa Dios at may lahi rin siya na nagmula sa Panginoon.

KayĆ¢ di natin matitiyak na ang isang tao ay magiging masamang pinuno para lang sa payak na kadahilan na ang kanyang mga magulang ay naging masamang mga pinuno.  On the other hand, hindi rin natin matitiyak na ang isang tao ay magiging isang mabuting pinuno dahilan lang sa ang kanyang angkan ay may naging mabuting mga pinuno.

Let anyone aspiring for leadership prove his/her true worth. Huwag natin sila husgahan basi sa masama o mabuting reputasyon ng kanilang angkan, kundi husgahan natin sila sa kung anong totoong laman ng kanilang mga puso at isipan at kung sa anu-anong mga bagay ang kanilang maidulot o naidulot.

For our country's sake, isn't it the best thing to do for the offsprings of our past leaders to bury the hatchet for good? Isa sa mga malaking dahilan na nakapagpagulo ng ating bansa ay itong higwaan personal at pampulitika na nagmula sa halo-halong galit at puot ng mga mamayan laban sa mga angkan ng mga dating lider ng ating bansa dahil sila mismong mga angkan ng dating mga lider ay may galit at puot sa isa't-isa.

At ngayon sa ating kasalukuyan, pumasok na rin itong panibagong dagdag na galit at puot ng taumbayan sa isat-isa dahil sa bagong kasalukoyang pamumuno na sa pakiwari ng marami ay masama at takaw-papuri, habang sa tingin naman ng mas nakakarami pang iba ay mabuti at karapatdapat purihin.

[Pilipinas,] hindi ka kakaiba sa iba... kasi wala ka ring ipinagkaiba sa iba. Subalit, pilit ko pa ring ibahin ang pagtingin ng iba sa iyo, dahil naniniwala pa rin ako na talagang meyron kang taglay na katangiang kakaiba kay sa lahat ng iba.

Pagpalain ka ng mahal na Panginoon [, bayan kong Pilipinas].