Kung ang anino ng kapangyarihan ay hindi inilalantad sa tapat ng mesa-aregluhan, ang mga pakikipag-ayos ay nagiging isang salin-salita lamang sa pagsasang-ayon na maamo.
Baka marahil ang sintomas na ating nasasaksihan ngayon ay isang uri ng pampapigil na pagsasang-ayon: Kung baga, dudurogin na mismo natin ang ating konsensya bago pa tayo maunahan nila, at wala na silang madudurog pa.
O Bayan ko! Huwag ka sanang bibigay kaagad nang di man lang inaasahan at baka ika'y patihayang mapatumba, at wala ka man lang kahit anong makakapitan. Pag nangyari yon, ang silakbo sa loob mo ay kataka-takang titiwasay, na animo'y nasa kinahinatnang dulot ng isang buhawi -- awit ng ibon, sikat ng araw, sobrang puspos na mga kulay, wasak na paligid, at... ang iyong sarili, tuliro at paikod-ikod.
Bayan ko, huwag mo sana'ng simulang sabihin kung ano'ng gagawin mo pag di ka magtagumpay sa nais mo, dahil sa pinakasaglit pa lang na sabihin mo ito, ay nagpapahiwatig lamang na sang-ayon ka na sa kahihinatnan mo sa umpisa pa lang.
Bayan ko, ano man ang ibahagi mo sa iba, subalit ingatan mo at pangalagaan mo ang biyayang nakalaan para sa mga anak mo at sa mga anak ng mga anak mo.
Bayan ko, ano man ang ibahagi mo sa iba, subalit ingatan mo at pangalagaan mo ang biyayang nakalaan para sa mga anak mo at sa mga anak ng mga anak mo.