2/25/2019

Maging mabuting halimbawa sana tayo




MAGING MABUTING HALIMBAWA SANA TAYONG LAHAT

Sa mata ng mga bata, ang maling gawa ay nagiging tama kapag ito ay ginagawa ng mga mas nakakatanda.

KayĆ¢ kung tatawid tayo sa kalsada, dapat ay tumawid lamang sa itinalagang tawiran, at huwag sa kung saan-saang banda ng kalsada.

At kung maglagay tayo ng campaign related posters o materials, dapat ilagay lamang ang mga ito sa itinalaga ng Comelec na common poster area, at huwag sa mga poste ng kuryente, mga pader, at lalo ng huwag sa Plaza Rizal. At huwag sumobra ang laki ng poster sa laki na isinasaad ng Comelec.

Sa mga supporters na naglagay ng mga posters na ganito sa maling lugar, huwag naman sana nating bigyan ng kahihiyan ang ating mga minamahal na mga kandidato. Kumakandidato pa nga lang sila, e masama na ang halimbawang nakikita ng publiko.

Mas maganda tingnan ang ating mga munting bayan kapag sa mga sangkaterbang political posters hindi ito dinudungisan.