5/13/2018

Tulad pa rin ng dati

.

Akala ng mga mamayan may pagkakaiba dahil sabi bago raw. Ngunit maliban sa isang lagda, e... ang malinis na pagkagawa lang pala ang bago. Ganon pa rin pala, gayang-gaya lang talaga sa nangyari noong dati. Ang dating ginawa, ngayon ay ulit ginagawa. Lumang bago o bagong luma.

Tawag daw nila sa sistemang ganito ay "demokrasya" -- kasi pag di-mo-crush-sya dahil sagabal siya o siya ay di sang-ayon sa pageywang-geywang na mga hakbang mo, e di etsapwera mo! Ganon lang daw ang laro sa sistema na ito. Politikang bolok pa rin na hindi nagbabago hanggang ngayon. Para bang sa tinagal-tagal ng panahon ay lalo pa yatang lumalala.

Tulad na lang sa makikita sa pangalawang larawan sa ibaba, hindi pa rin nagbabago ang bolok na kultura ng ating halalan. Tuwing bisperas ng eleksyon abalang-abala sa kanikanilang house-to-house tokhang operation ang mga tauhan ng mga kandidato.

Pilipinas, tulad ka pa rin ng dati. Kailan ka kaya talaga tunay na magbabago?!