9/11/2018

Bagay tulad nito dapat madalas ginagawa




Mabuti at may nakaisip ng ganito. Sa sino mang mga nakaisip na gawing ganito ang format or mode ng pagpapahayag ng presidente sa kanyang mga saluobin o gustong sabihin sa taombayan, tama ang ginagawa ninyo. 

Alam natin na ang presidente ay may kahinaan pagdating sa kahusayan ng magalang na pananalita sa harap ng publiko. Nagiging masamang ugali na niya ang walang prenong pagmumura lalo na kung ang kanyang ego ay natatamaan. Kaya kung ang presidente ay isabak ninyo sa nakasanayang press conference format, kadalasan ay malamang lalabas na makapagbitiw ang presidente ng mga pamamahayag na hindi kanaisnais.

Ang hindi makakabuti sa panig ng presidente ay kapag maligaw na sa ibang direksyon ang lakbay at daloy ng tanungan at sagutan. Dahil sa sandaling ang kanyang isipan at ang kanyang pagsasagot ay natangay na sa direksyon ng agos at linya ng mga pagtatanong na nais tutukan ng mga taga media, e mawawala na siya sa kanyang maayos sana at plastadong pagpapahayag ng kanyang nais na sasabihin sa taombayan. At ang kadalasang mangyari ay aabot na naman sa punto na magmumura na naman ang pangulo dahil nalulunod na siya sa mga [sinasadyang] maintrigang mga linya ng pagtatanong ng mga taga media. E alam naman din natin na ang mga taga media ay wala rin silang kapreno-preno sa tindi ng kanilang maintrigang mga pagtatanong. At dahil sa kanilang pinanghahawakang kalayaan sa pamamahayag, ay natural lamang na magiging makulit at maintriga ang kanilang pagkuha ng mga impormasyon lalong-lalo na pag presidente na ang kanilang tinatanong.

Sana ang ganitong format ay magiging magandang panimula sa paraan ng pagpapahayag ng pangulo ng kanyang mga saluobing nais niyang ibahagi sa taombayan. At uulitin ko, sana simula pa lang ito, dahil kailangan at dapat na mag level up pa ito gradually into a system na habang tumatagal ay lalong nagiging produktibo at kapakipakinabang. Hindi kailangan na parang napaka opisyal at bongga ang dating. (Small hint ko lang ito: Level up patungo sa isang sistema na parang frequent periodic expanded/detailed SONA). Ang importante na kampante ang pangulo na ibahagi at ipahayag niya ang kanyang saluobin at mai-kwento niya kung ano-anong mga bagay ang nasa isip niya na may kinalaman sa bayan sa paraan na walang ego-pressing lines of intriguing questioning mula sa mga taga media.

Hindi natin ma-overemphasize pa ng lalo ang kahalagahan na marinig at malaman ng tamobayan at ng buong sambayanan ang tunay na mga saluobin ng pangulo kaugnay sa mga nangyayari sa ating bansa. At ang pinakamahalaga sa lahat, ay ang higit na kailangang malaman ng buong bansa ang update tungkol sa mga plano, direksyon, at hakbang na iniisip at ginagawa ng mga ibat-ibang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng kanyang pamumuno. As well as yong mapagkumbabang pagkilala at paghahanap ng kalutasan sa mga kahinaan, kapalpakan, at kakulangan ng kanyang pamumuno. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng bukas at tapat na kasangkapan ng kumonikasyon na magiging tulay sa pagitan ng pangulo at ng taombayan na kahit pa yong mga ayaw sa kanya ay dahan-dahan na ring matutong makikinig at makakaintindi sa mga plano, pamamalakad, kaunlaran, at kapalpakan ng kanyang pamumuno.

----------
Nais ko kayong hikayatin na pagmasdan ninyo ang isang probensya sa Central Visayas. Ang sistemang ito na napag-isipan at ginawa ninyo ngayon, ay matagal-tagal na ring ginagawa sa mga namumuno sa kanilang probinsya at pati sa mga namumuno sa kaninlang capital city.

Sa haba na ng panahon ng kanilang patuloy na paggamit ng pamamaraang ito ay nagiging malaking pakinabang ito sa partisipasyon ng kanilang mga mamayan na makibahagi sa pagtulung para sa kaunlaran ng kanilang probinsya at gayon din sa kanilang capital city.

Ang kanilang pamamaraan bagamat simpli lang subalit ito ay nag level up na ng husto in terms of public participation and effectiveness. Sana magaya nyo rin ito. Kaya para ma-adopt ninyo on a national scale ang simpling sistema o pamamaraan na ito, aralin ninyong mabuti kung papaano nila sinimulan ang sistemang ito at kung sino-sinong mga tao at anu-anong mga institusyon ang kasali nito at anu-ano ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin para magiging epektibo ang nasabing pamamaraang ito.

Patnubayan sana kayo ng Maykapal.
       

9/08/2018

Character role-playing; Changing of values and principles



Well, we all know that in the realm of relationships, people's preference as to how and to whom they associate with, may change at any available opportunity depending on their personal agenda.

For some people, changing of relationships or associates could be as ordinary as changing clothes. 

In politics, the act of changing relationships or associates has several personal aspects of change that go with it. Politicians often change image to suit a particular time, occasion, or opportunity. They also change their public appearance according to what impressions they would like to project. And occasionally, they change views and perspectives to align their actions with their agenda.

But, in all of the personal changes that people might be willing to undergo or do to themselves, the saddening thing to observe is when they are willing to sacrifice their core values and principles in order to gain things that they hope could ultimately benefit them in the end.

In the world of politics, politicians even have an aphorism for it: "In politics, there are no permanent friends or permanent enemies, only permanent interests."

Which sounds like: "Use and/or be used."

In the parlance of our millennials: "Gamitan pa more!"

----------
At the beginning, every time I saw and heard Atty. Harry Roque spoke on television about significant issues that are affecting our country, I saw in him a principled person who has unshakable core values.

Some years ago, because of his staunch advocacy on human rights, he earned the respect and admiration of almost all of our  kababayans as well as of people in the international community. With his excellent ability to spot violations and twisting of the law, many serious voters had prayed that hopefully he would become a staunch human-rights-defender senator someday.

Years back, I didn't know if some people may also had similar thoughts about Atty. Harry Roque, but at least in my evaluative thought then, that to a country whose history is filled with so much human rights violations, I once considered Atty. Roque (along with [the likes of] Atty. Allan Peter Cayetano and Atty. Koko Pimentel) as a very potential high-office public servant who was some steps closer to another human rights hero in the making whom the voiceless poor, whose human rights have been violated, can lean on for real help in obtaining justice.

But since his acceptance to serve as the president's spokesman, Atty. Harry Roque now seems to appear like in the same state as the hero Spiderman whose original heroic inner self is occasionally struggling against an acquired and quickened dark side of himself brought about by the responsibilities and obligations of the duty which he has voluntarily accepted.

Duty-wise, Atty. Roque (and so also are other duty-bound public officials such as DOJ Secretary Menardo Guevarra, DND Secretary Delfin Lorenzana, and AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr.) maybe struggling against an inner dark side which is brought about by their sworn duty. But I chose not to lose hope in their abilities to triumph over their struggles. In their struggles, they may inadvertently make some errors. But if unavoidably they must commit any error, I'm fervently praying that they shall remain faithful to what is righteous. If they must err, then may they err on the side of truth, what is right, and what is truly just. 

Their respective positions and offices in government public service come with great power and authority. And what they do now could become an example for others to follow.

May God protect their hearts, enlighten their minds, and guide their actions.

"With great power, comes great responsibility." -- The Spiderman

----------
Meanwhile...

Senator Antonio Trillanes is perhaps Max turned Electro, or perhaps Dr. Otto Octavius turned Dr. Octopus -- a villain hero. An idealistic heroic character whose way of heroism mostly appears as villainous to his opponents. At the end of the day, his villainous heroism achieves, or at least proves, his idealism.

What about the president, President Duterte, what character can he be?... Well perhaps..., hmm.... Aha! I think he is of course the writer-director of the entire movie.

On each movie character, he puts a character attribute that he chooses from the different character attributes which he assumes in real life in tackling the different political challenges he himself is struggling within and without as the president.

And as according to the hero-villain dual character role he is forced to adopt as a required necessity of being the president who has enormous responsibilities and hard duties, he must direct the whole movie like a grand master in a modified multi-opponent-version chess game.
          

9/06/2018

Huwag luluwag sa inyong mga panalangin


Pagmasdan ninyo ang mga araw ng kapanahonang ito dahil sagana ang mga araw na ito sa mga palatandaan. Kaya magmasid kayo para hindi kayo luluwag sa mga panalangin ninyo.
     










Iilan lamang ang mga ito sa mga palatandaan ng kasalukuyang kapanahonan ng ating bansa. Sa sinomang may angking karunungan sa pag-unawa ng mga palatandaan, subukan ninyong intindihin ng maigi ang mga ipinapahayag ng mga palatandaang ito.
       

9/05/2018

Nasaan na ba ang tunay na pakialam at malasakit ninyo?!



Sa gitna nitong matinding inflation na dinaranas natin lalo na sa ating mga mahihirap na mga kababayan, nasaan na kayo, mga lider ng bansang ito?! Ano ba ang mas mahalaga at mas importante sayo? Nasaan na ba ang tunay na pakialam at malasakit ninyo?! Huwag ninyo sanang sayangin ang ibinigay sa inyo ng Panginoon na pagkakataong makatulong sa mga naghihirap lalo na sa mga panahong pinaka-kailangan kayo ng mga taong nangangailangan sa taos-pusong serbisyo publiko ninyo.

Bakit para bang hindi man lang kayo tumutulong sa paglutas ng problema sa bayan na ito? Dahil ba ay hindi kayo intrisado sa gawain na isinasangon sa inyo, at sa halip mas intrisado pa kayo sa kung ano lang ang hilig at kaya ninyo? E kung ganon, bakit pa kayo nagpahalal sa taombayan para umupo sa pwesto kung sa kalaunan man din lamang ay hindi pa pala kayo tunay na intrisado na gawin ang tungkolin ninyo lalo na sa mga panahon ng kahirapan tulad na lang sa kasalukoyang panahon nating ito?

Gumising na kayo! Ang bayan ay lubos na nangangailangan sa tulong ninyo! Dahil kayo ay halal na mga alagad publiko, at di lang yon, higit sa lahat, dahil kayo ay mga tinawag ng Panginoon na maging alagad sa bayan ninyo, kaya kahit sa ngayong mahirap na panahon man lang muna, ay ibahin sana ninyo ang kung ano ang mas mahalaga sa inyo,

Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso. (Mateo 6:21)