Mabuti at may nakaisip ng ganito. Sa sino mang mga nakaisip na gawing ganito ang format or mode ng pagpapahayag ng presidente sa kanyang mga saluobin o gustong sabihin sa taombayan, tama ang ginagawa ninyo.
Alam natin na ang presidente ay may kahinaan pagdating sa kahusayan ng magalang na pananalita sa harap ng publiko. Nagiging masamang ugali na niya ang walang prenong pagmumura lalo na kung ang kanyang ego ay natatamaan. Kaya kung ang presidente ay isabak ninyo sa nakasanayang press conference format, kadalasan ay malamang lalabas na makapagbitiw ang presidente ng mga pamamahayag na hindi kanaisnais.
Ang hindi makakabuti sa panig ng presidente ay kapag maligaw na sa ibang direksyon ang lakbay at daloy ng tanungan at sagutan. Dahil sa sandaling ang kanyang isipan at ang kanyang pagsasagot ay natangay na sa direksyon ng agos at linya ng mga pagtatanong na nais tutukan ng mga taga media, e mawawala na siya sa kanyang maayos sana at plastadong pagpapahayag ng kanyang nais na sasabihin sa taombayan. At ang kadalasang mangyari ay aabot na naman sa punto na magmumura na naman ang pangulo dahil nalulunod na siya sa mga [sinasadyang] maintrigang mga linya ng pagtatanong ng mga taga media. E alam naman din natin na ang mga taga media ay wala rin silang kapreno-preno sa tindi ng kanilang maintrigang mga pagtatanong. At dahil sa kanilang pinanghahawakang kalayaan sa pamamahayag, ay natural lamang na magiging makulit at maintriga ang kanilang pagkuha ng mga impormasyon lalong-lalo na pag presidente na ang kanilang tinatanong.
Sana ang ganitong format ay magiging magandang panimula sa paraan ng pagpapahayag ng pangulo ng kanyang mga saluobing nais niyang ibahagi sa taombayan. At uulitin ko, sana simula pa lang ito, dahil kailangan at dapat na mag level up pa ito gradually into a system na habang tumatagal ay lalong nagiging produktibo at kapakipakinabang. Hindi kailangan na parang napaka opisyal at bongga ang dating. (Small hint ko lang ito: Level up patungo sa isang sistema na parang frequent periodic expanded/detailed SONA). Ang importante na kampante ang pangulo na ibahagi at ipahayag niya ang kanyang saluobin at mai-kwento niya kung ano-anong mga bagay ang nasa isip niya na may kinalaman sa bayan sa paraan na walang ego-pressing lines of intriguing questioning mula sa mga taga media.
Hindi natin ma-overemphasize pa ng lalo ang kahalagahan na marinig at malaman ng tamobayan at ng buong sambayanan ang tunay na mga saluobin ng pangulo kaugnay sa mga nangyayari sa ating bansa. At ang pinakamahalaga sa lahat, ay ang higit na kailangang malaman ng buong bansa ang update tungkol sa mga plano, direksyon, at hakbang na iniisip at ginagawa ng mga ibat-ibang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng kanyang pamumuno. As well as yong mapagkumbabang pagkilala at paghahanap ng kalutasan sa mga kahinaan, kapalpakan, at kakulangan ng kanyang pamumuno. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng bukas at tapat na kasangkapan ng kumonikasyon na magiging tulay sa pagitan ng pangulo at ng taombayan na kahit pa yong mga ayaw sa kanya ay dahan-dahan na ring matutong makikinig at makakaintindi sa mga plano, pamamalakad, kaunlaran, at kapalpakan ng kanyang pamumuno.
----------
Nais ko kayong hikayatin na pagmasdan ninyo ang isang probensya sa Central Visayas. Ang sistemang ito na napag-isipan at ginawa ninyo ngayon, ay matagal-tagal na ring ginagawa sa mga namumuno sa kanilang probinsya at pati sa mga namumuno sa kaninlang capital city.
Sa haba na ng panahon ng kanilang patuloy na paggamit ng pamamaraang ito ay nagiging malaking pakinabang ito sa partisipasyon ng kanilang mga mamayan na makibahagi sa pagtulung para sa kaunlaran ng kanilang probinsya at gayon din sa kanilang capital city.
Ang kanilang pamamaraan bagamat simpli lang subalit ito ay nag level up na ng husto in terms of public participation and effectiveness. Sana magaya nyo rin ito. Kaya para ma-adopt ninyo on a national scale ang simpling sistema o pamamaraan na ito, aralin ninyong mabuti kung papaano nila sinimulan ang sistemang ito at kung sino-sinong mga tao at anu-anong mga institusyon ang kasali nito at anu-ano ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin para magiging epektibo ang nasabing pamamaraang ito.
Patnubayan sana kayo ng Maykapal.