9/05/2018

Nasaan na ba ang tunay na pakialam at malasakit ninyo?!



Sa gitna nitong matinding inflation na dinaranas natin lalo na sa ating mga mahihirap na mga kababayan, nasaan na kayo, mga lider ng bansang ito?! Ano ba ang mas mahalaga at mas importante sayo? Nasaan na ba ang tunay na pakialam at malasakit ninyo?! Huwag ninyo sanang sayangin ang ibinigay sa inyo ng Panginoon na pagkakataong makatulong sa mga naghihirap lalo na sa mga panahong pinaka-kailangan kayo ng mga taong nangangailangan sa taos-pusong serbisyo publiko ninyo.

Bakit para bang hindi man lang kayo tumutulong sa paglutas ng problema sa bayan na ito? Dahil ba ay hindi kayo intrisado sa gawain na isinasangon sa inyo, at sa halip mas intrisado pa kayo sa kung ano lang ang hilig at kaya ninyo? E kung ganon, bakit pa kayo nagpahalal sa taombayan para umupo sa pwesto kung sa kalaunan man din lamang ay hindi pa pala kayo tunay na intrisado na gawin ang tungkolin ninyo lalo na sa mga panahon ng kahirapan tulad na lang sa kasalukoyang panahon nating ito?

Gumising na kayo! Ang bayan ay lubos na nangangailangan sa tulong ninyo! Dahil kayo ay halal na mga alagad publiko, at di lang yon, higit sa lahat, dahil kayo ay mga tinawag ng Panginoon na maging alagad sa bayan ninyo, kaya kahit sa ngayong mahirap na panahon man lang muna, ay ibahin sana ninyo ang kung ano ang mas mahalaga sa inyo,

Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso. (Mateo 6:21)