Halos araw-araw na lang may tumataas na presyo ng commodity. Naku po! Napaka sobrang taas na nang presyo ng bigas, isda, gulay, petrolyo, kuryente, at ngayon tubig! Papaano na kaya tayo nito mamumuhay ng maayos? Hanggang kailan ba kaya tatagal itong matinding pagdurasa na dinaranas nating mga Pilipino?
PLEASE... MAAWA NAMAN KAYO, KAYONG MGA NAMUMUNO SA BANSANG 'TO!
Mayroon pa ba kaya sa kanila ang nakakarinig at totoong nakikinig sa mga naghihirap? Mga sarili lang yata nilang kalagayan ang kanilang binibigyan halaga. Mga lider namin, bakit ba ninyo kami pinabayaan sa aming paghihirap? Saan na ba nakabaling ang mga puso ninyo ngayon?
Sa gitna nitong lalo pang lumalalang suliranin sa inflation ng ating bansa, ano na kaya ang kalagayan ng ating mga naghihikahos sa buhay na mga kababayan?
Panginoon, huwag mo po kaming pababayaan. Tulungan mo po kaming makaahon sa napakahirap na kalagayan naming ito.
-------
-------
Sa sinomang may pandinig, ito ay pakinggan ninyo: "May isang araw na darating na may dalang di pangkariniwang sikat. Sa panahon ng araw, may mga naglalakbay, ngunit walang mga anino. May mga punong marami ang mga dahon, ngunit walang lilim. Sa panahon ng gabi, sa ilalim ng sikat ng buwan, may mga anino, ngunit walang makikitang mga naglalakbay. May lilim ang mga puno kahit walang mga dahon."