Kapag naghihirap na ang isang babaing manganganak, siya'y nahahapis, sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghihirap. Ngunit pagkapanganak niya, hindi na niya naaalala ang hirap; nagagalak siya dahil sa pagsilang ng isang sanggol sa sanlibutan. -Juan 16:21
Ang sarap pakinggan ang unang iyak ng bagong-silang na sanggol.
Ngayon ay ang araw ng pagsilang ng ating bagong pag-asa. Huwag na sanang mangyari pa na ang batang ito ay lalaking palaboy sa lansangan dahil sa kapabayaan nating mga mamayan. Anak ng buong sambayang Pilipino itong bagong pag-asa na ito. Mahalin at arugain natin tulad ng isang tunay na anak, at ang ating bagong Presidente ay siyang mangunguna sa atin sa pagtuyod ng pag-asang ito tungo sa ating matagal ng minimithing pagbabago at kaunlaran.