12/14/2011

Huwag sana tuloyang mabulagan sa kapangyarihan




This is one of the present administration's blindness that they fail to recognize.

Sa di masyadong malayo na hinaharap, may mas lalong malaking kabulagan, kapipian, at kabingian ang nakahintay na mangyayari sa pamumuno ni PNoy kung walang gagawing tamang hakbang kaugnay dito. Seguradong alam na nila kung ano ang bagay na ito. Kung mga landmines ang tawag nila sa mga appointees ni GMA, ano naman kaya ang maaring itawag sa mga alipores ni PNoy? Kung puro na lang PNoy alipores ang nasa Supreme Court ang matitira, at sobrang nakakarami sa kongreso ay puro mga alipores na ni PNoy, ano na ang mangyayari sa check and balance sa mga sanga ng ating pamahalaan? Baka e-cheCHECK na lang ang mga alipores na ito kung may BALANCE pa ba mga bank accounts nila para tuloy ang ligaya ng pagharurot kasi wala nang balakid sa kanilang dinadaanan, matuwid daw kasi e, wika nga nila.

"Nearly all men can stand the test of adversity, but if you really want to test a man's character, give him power." -- Abraham Lincoln

"Power tends to corrupt, and absolute power corrupts absolutely. Great men are almost always bad man." --Lord Acton