1/25/2019

Siya, noon; Ikaw, ngayon; Sila, bukas



Noon, siya.
Ngayon, ikaw.
Bukas, sila.

Noon, may mga ginawa siya.
Ngayon, may mga gagawin ka rin.
Bukas, sila ay gagawa rin.

Noon, dumuon siya.
Ngayon, may paruonan ka rin.
Bukas, sila ay may paruruonan din.

Noon, nang-iwan siya.
Ngayon, mang-iwan ka rin.
Bukas, sila ay mang-iiwan din.

Noon, ganun 'yon.
Ngayon, ganito 'yon.
Bukas, ganyan 'yon.

Siya, ikaw, o sila man,
Noon, ngayon, o bukas man,
Ganun, ganito, at ganyan 'yon.

Gumawa habang may magagawa.
Pumaroon habang may paruruonan.
Ipag-iiwanan ang dapat ipag-iwanan.

Siya, noon.
Ikaw, ngayon.
Sila, bukas.