4/03/2008

Hard, Long, & Broken to the Max of 4%

Kumain ng binlid
By Ellen Tordesillas

May litrato sa Malaya noong Miyerkoles ng mga sakong bigas mula sa Estado Unidos na nire-repack sa National Food Authority. Ang nakalagay “U.S No. 2 quality long grain, 4% broken”.

Kapag sinabing “broken”, may halong binlid. Yung maliliit na bigas. “Broken” ang tawag kasi parang yun ang mga basag na bigas. Kapag four per cent, good quality pa yan. Ibebenta ng NFA ang 4 per cent broken ng P25 isang kilo.

Ngayong linggo, darating ang panibagong importasyon galing ng Amerika.Twenty-five per cent broken. One fourth ng isang sakong bigas ay binlid at ibebenta ito ng P18 bawat kilo.

Sa normal na panahon, ang binlid ay ginagawang pagkain ng baboy. Nilulugaw yun dahil mahirap saingin. Dahil nga basag na mga bigas, basa yun kapag sinaing.

Click here to read full text.

----------
Eh baka itong mga bigas na ito ay standby stocks ng mga Kano na pang emergency relief kung may biglaang kalamidad sa mga 3WC's (3rd World Countries). Baka kilos-pagtulong ito ng mga Kano sa atin pero ginaw'an lang ng ibang dating para hindi mapahiya at magmukhang kawawa ang pamahalaan natin. Baka libre pa nga itong inaalok ng mga Kano sa ating pamahalaan.

Samantala, maligayang pagkain ng lugaw sabayan ng ulam na adobong baboy.