Sa mata ng aso, ang bagay na sa kanyang tingin ay tama ay lalong naging tama para sa kanya kapag ito ay ginagawa din ng tao -- lalo na kapag amo nya ang gumagawa nito.
May mga bagay na umabot na sa ponto ng kasukdolan.
Isa sa pinakamalaking mga balakid na nakakapigil ng taombayan sa pagkilos ay ang hindi pagkilala sa hangganan ng pang-aaboso ng mga politiko.
Kung sa sarili natin tayo ay humantong na sa pagtatanong "Ganito na lang ba ang bansa natin habang buhay?", dapat alam na natin na may mga bagay na umaabot na sa ponto ng kasukdulan. Ganito din dapat ang pakialam natin kapag pakiramdam natin ay halos mabaliw na tayo sa mga maling ginagawa ng ating mga halal na representante ng taombayan.
Sa kasalokoyang nangyayari sa ating bansa ngayon, isa sa dalawang bagay lamang ang ating magagawa; susuko ba tayo sa pang-aaboso ng mga politiko, o tatayo ba tayo upang ipaglaban at ituwid ang kamalian?
Kung ang mga abusadong politiko ay hindi natatakot na gawin ang hindi tama, bakit ba tayong taombayan ay matatakot sa pagkilos laban sa kanila upang maitama ang kamaliang kanilang ginagawa?
Gumising ka na bayan ko! O habang buhay kanang matutulog...