Halalan 2010
Pastoral Letter of the Archbishop and Bishops
Manila Metropolitan Ecclesiastical Province
Sa darating na ika-10 ng Mayo 2010, malayang pipili ang mga Pilipino ng mga pinuno na inaasahang maglilingkod sa bayan at magkakaroon ng pananagutang paglingkuran ang mga mamamayan ng Republika ng Pilpinas. Ang isang malayang halalan ay nangangahulugang walang marahas na pamimilit, pagbabanta at panunuhol upang manghikayat at bumili ng boto. Napatunayan ng natin na ang labis na paggugol ng salapi sa pangangampanya ay hindi katiyakan ng mabuti at tapat na pamamahala.
Sa pagpili ng mga pinuno, kailangan pag-aralan, suriin at paghambingin ang mga katangian ng mga kandidato at isaalang-alang ang mga pangangailangan at mga isyu na bumabagabag sa ating bansa ngayon. Ang kahirapan at katiwalian sa pamahalaan ang dalawang pinakamatinding isyu ng matagal ng sumisira sa ating bayan. Ang dalawang ito’y magkatambal na pumpipinsala sa ating bayan. Habang lumalabis ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, lumalala naman ang karukhaan.
Nagsisimula ang responsableng pagboto sa pagsasama-sama ng mga mamamayan upang talakaying ang mga kinakailangang katangian para sa tapat na pamamahala at suriin and karangalan ng mga kumakandidato sa halalan.
Kabilang sa mga kandidatong susuriin ng mga grupong ito ay mga taong may takot sa Diyos, matuwid ang pamumuhay, hindi lulong sa bisyo, nagtataguyod sa buhay at kabanalan nito, pampalagian at tunay na kaibigan ng mga dukha, nakikiisa sa pag-iingat ng kalikasan, payak at mapagkumbaba, at halimbawa ng pagiging mabuting Pilipino.
Hindi lamang tungkulin ng mga tapat na mamamayang ito ang pagsusuri ng mga kandidato at pagtimbang sa kanilang mga pansariling pasya. Kailangan di nilang magkaisa sa panalanging upang hilingin sa Panginoon na gabayan sila sa knailang pagpili at pagpapasya. Kailangan nating manalangin para sa mapayapang halalan at nagkakaisang bayan bago, habang at pagkatapos ng halalan.
Pagpalain at patnubayan nawa ng Panginoon at ng Mahal na Ina an gating byan sapagkat batid nily na bilang isang bayang may takot sa Diyos, mahal natin ang ating mga kababayan.
Sumaating nawa lagi ang pag-ibig at pagpapala ng Panginoon?
Ika-14 ng Marso 2010, Ika-apat ng Linggo ng Kuwaresma.
Nilagdaan ng Arsobispo at mga Obispo ng Manila Metropolitan Ecclesiastical Province.
Read also:
* Who is the big spender Cardinal Rosales and the Bishops referred to?
* Ang Isa Sa Pinakapangunahing Mga Sanhi Ng Kurapsyon
----------
Ang talamak na bilihan at bentahan ng boto sa mismong iilang mga araw bago ang takdang araw ng eleksyon ay ang pinakamahirap pa ring pigilin pagdating sa mga sari-saring sakit ng ating lipunan na may kinalaman sa mga panglalamang at pandaraya sa eleksyon na nakasanayan na at ugali na ng walang-konsensyang mga politiko at makasariling mga botante.
Alalahanin na kahit gaano pa kaayos at kagaling na "Automated Election System" ang maaaring maipapatupad ng Comelec, hindi pa rin kaya nitong mapigil ang "vote buying/bribery". Hindi makabagong sistema ng pagboto ang makapagpigil nito kundi tamang moralidad na dulot ng tunay na "reverence" sa kadikalaan at pag-ibig ng Diyos. Ang bagay na ito (ang pagbabago sa puso at isipan ng tao) ay pangunahing nasa kamay ng mga alagad ng simbahan ang responsibilidad.
Baka kung hindi lang sana nagkulang at nagpabaya ang mga alagad ng simbahan (Ke katoliko man o hindi), baka hindi na sana kailangang mangyari pa na may mga iilan sa kanilang hanay ang makaisip tumakbo sa mga eleksyon. At baka hindi na rin kailangan pa nila mismong makialam at makisawsaw sa bawat isyu na may kinalaman sa tunay na moralidad dahil kaya na ng mga mamamayan hawakan at ipagtanggol ang kung ano ang dapat at tamang mga bagay.
Halos dalawang buwan pa bago ang nakatakdang araw ng pabgoto. May panahon pa para maituwid ang maling nakasanayang ugali at pag-iisip ng ating lipunan.