Di kaya mas dapat ang unang sumagot nito ay yaon mismong mga pinagsimulan ng katanungang ito? Hindi ba nila naisip na nailagay nila ang sarili nila sa isang "awkward" na kalagayan dahil sa pagtatanong nila sa katanungang ito?
Bago maniwala ang taombayan sa sinseridad ng kilusang "Ako Ang Simula", siguro dapat patunayan muna sa mga tagapasimuno nito na wala silang kinakatigan na kandidato. Sa tuno ng kanilang katanungan, hindi ba na [parang] may partikular na kandidato silang pinatatamaan? Hindi bali na may tunong patama ang kanilang katanungan kung sana noong una pa bago pa nagsimula ang opisyal na yugto ng pangangampanya ay sila mismo noon pa lang ay di na sana nila pinayagan sa kanilang mga hintilan ang mga politikal "posters, ads and other propaganda" ng mga kandidato dahil bawal pa noon kasi wala pa sa tamang panahon.
Oo, hindi nga illegal (bagama't hindi tama) ang gawaing ito na nakasanayan na ng mapagsamantalang tradisyonal na mga politiko at mga organisasyon ng medya dahil iniikutan lamang nila ang kahinaan ng batas. Oo, naiintindihan nating lahat na kailangang kumita ang mga media organizations dahil ang mga ito ay negosyo at ang mga "posters, ads and other propaganda" ng mga kandidatong ito ay malaking pagkakataon ng kanilang mga negosyo na kumita ng husto. Peru baka ang hindi na-realize ng karamihan sa mga medya organizations na ito ay ang masamang katumbas sa kanilang ginawa, ang unti-unting pagkalagas ng kanilang pinakamahalagang "asset" -- ang kanilang kredibilidad na nagmula sa kanilang "moral ascendancy" bilang bantay ng bayan.
May pinasisimunoan silang isang adbokasiya para sa pagbabago ng bayan na magsisimula sa mga sari-sarili ng bawat mamayan. Kabilang nito ay ang pagbabago laban sa pangunahing suliranin ng mga numumuno sa ating bansa, ang korupsyon. Kabahagi ng kanilang pangunahing mensahe ay ang pagbabago sa sarili, na dapat bawat sarili ay iwaksi ang mentalidad ng korupsyon.
Ngunit ngayon, anong klaseng "moral ascendancy" mayroon kaya silang natitirang pwede pa nilang mapanghawakan para kapanipaniwala silang makapagtanong sa taombayan sa uri ng katanungang kanilang binitiwan? Sa katanungang kanilang itinanong, hindi ba nagmukha silang parang hipokrito?
Ang kredibilidad ng isang media institution, ay dapat hindi ipagbili sa kikitain ng mga "posters, ads and other propaganda" sa hindi tamang paraan at panahon -- lalo na kung ang kanilang kikitain ay galing sa [mga] politikong kanila palang kailangang patatamaan ng [mga] katanungan sa bandang huli.
Ako Ang Simula... Hmmm... Simula kaya ng ano?

Basahin din:
* Ang medya, e sino'ng "iihaw" nito?
* Ano Na Ngayon?
.