11/25/2011

Dalawang Mukha Ng Iisang Uri Ng Pag-iisip

.

Kung tutuusin, kahit gaano pa ka tuwid ang daan, malamang mas malaki ang tsansang madidisgrasya o makakadisgrasya ang isang motorista kung ito ay sobrang paharurot na nagmamaneho lalo na kung triple pa ang bilis nito. Hindi masama ang pagmamadali kung ito ay hindi ginagawa sa kalabisan, dahil ang sobra o malabis na pagmamadali, tulad ng utak wangwang, ay isa ding uri ng pag-aaboso ng kapangyarihan. Sa larangan ng tuwid na daan, wangwang man o sobrang harurot, sila ay dalawang mukha lamang ng iisang uri ng pag-iisip.