Ang ating tunay na lakas ay nandyaan sa ating tunay na pagkakaisa.
Ipagdasal nating lahat ang tunay na pagkakaisa ng lahat na mga grupo at mga hanay na nagnanais ng tunay na pagbabago sa ating bayan. Sa tunay na pagkakaisa nakasalalay ang buong tagumpay ng lahat.
Noong nakaraang mga araw matapos ang libing ni Cory, sa isa sa aking mga blog entry tinanong ko, "Ano na ngayon, anong kasunod?" At sa entry na iyon sinabi ko rin na, "Sa kahit anumang bagay na pagsisikapang tuparin, di mawawala na may kailangang unang hakbang na dapat gawin, at karaniwan, ang unang hakbang ay ang siyang pinakamahirap na gawin sa lahat ng mga hakbangin. Nngunit kung mapagtagumpayan natin ang pinakaunang hakbangin na iyon, hindi na masyadong mahirap tuparin ang mga susunod pang mga hakbangin."
Upang na ang ating pareho at iisang mithiin ay magkakaroon ng katuparan sa 2010, ang pinakasusi nito ay ang pinaka-unang hakbang na kailangang dapat nating gawin at ito ay walang iba kundi ang tunay na pagkakaisa ng lahat ng sinumang nagnanais ng tunay na pagbabago sa ating bayan.
Peru dahil sa kasalokoyang kalagayan ng sistema sa ating politika, sobra-sobrang dami at ibat-ibang uri ng mga partidong pampolitika ang nagsusulpotan ngayon at halos lahat ay gustong maipanalo ang kani-kanilang mga kandidato. Ang marangal na hangaring magsilbi sa bayan ay nagigi na ngayong parang isang sugal, at dahil dito nalapastangan ang pagka-sagrado ng tawag ng pagsilbi sa bayan. At tulad ng sugal, naging kasabay sa maruruming laro ng pera ay ang pandaraya at pandarambong sa halalan. Dahil sa uhaw ng kapangyarihan ng makasariling mga gustong mamumuno at dahil sa pagkasilaw ng lahat sa salapi, nagkawatak-watak ang mga mamayan at tuloy na nawalan ng tunay na pagkakaisa ang ating bayan.
Tuany na pagkakaisa ang siyang dahilan na nagtagumpay ang taombayan laban sa maling pamumuno noong panahon ng unang tunay na people power. Pagkakawatak-watak naman ng mga mamayan ang siyang nagiging dahilan sa di-pagtagumpay ng taombayan noong halalan sa 2004.
Tunay Na Pagkakaisa. Talagang ito ang pinaka-una na bagay na kailangan nating mapagtagumpayan kung nais man nating mga mamayan na tatahak sa daan ng pagbabago.
Siguro maaring sasabihin ng iba, "Katulad ninyo, malakas ang pananalig namin sa Panginoon na sa pagkatapos ng 2010 na eleksyon ay mangingibabaw muli ang isang matuwid na pamumuno sa ating bayan." Amen sa pananalig na ito. Ngunit subukan nating pag-ninilayan ang bagay na ito.
Kalooban ng Panginoon na ang isang bansa ay mapasa-ilalim ng isang matuwid na pamumuno. Hindi labag sa kalooban ng Panginoon kung ang isang bayan ay mananalangin na bigyan ito ng matuwid na mamumuno. Ngunit ang pamamaraan ng Panginoon sa pagtugon sa isang panalangin ay hindi sa lahat ng panahon katulad ng isang magulang na kapag umiyak ang isang sanggol dahil nagugutom ay bigyan kaagad ito ng didi. Hindi porke't nanalangin tayo na magkaroon ng matuwid na pumumuno ang ating bayan ay bigla na lang sa darating na eleksyon ay may mananalo na isang matuwid na lider. Totoong sumasagot ang Panginoon sa tunay na panalangin, ngunit kalimitan tinutugon niya ito sa pamamagitan ng isang pagsubok na kung mapagtagumpayan natin ay ang siyang maging susi sa kasagutan ng ating pinapanalangin.
Pagmasdan natin ang kasalokoyang pampolitikang kapaligiran sa ating bansa ngayon at suriing mabuti. Di ba natin nakita na binibigyan na ng katogunan ng Panginoon ang ating panalangin? Di ba natin nakita na bawat iisang grupo sa atin na pampolitikal na naghahangad ng tunay na pagbabago sa bayan ay binigyan ng Panginoon ng sari-sariling lakas, subalit kapag ginamit sa sarili lamang ay hindi sapat? Hindi ba natin nahalata na ang nais ng Panginoon na mangyari sa atin ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa, at sa pamamagitan ng pagkakaisang ito ay matitipon at mabubuo ang sari-sariling lakas natin na siyang pinakasusi sa kasagutan ng ating panalangin para sa 2010 elekesyon?
Subalit napakatalino ng Panginoon dahil ibinuho niya na talagang ang tunay lang na uri ng pagkakaisa ang dapat mananaig dahil kapag hindi tunay, hindi natin talagang makamtan ang kasagutan sa ating pinapanalanging tunay na pagbabago dahil pagkatapos ng eleksyon ay posibleng iiral na naman uli ang sari-sariling interest ng bawat grupong pampolitika at magkakabaha-bahagi na naman ang bayan natin, at ang kasagutan sa tunay na pagbabago na ating minimithi at pinapanalangin ay mananatili pa ring naghihintay na ating maangkin at matatamasa bagama't inilatad na ito ng Panginoon sa ating harapan.
Peru papaano ba natin makamtan ang tunay na pagkakaisa? Ang sagot ay napaka-simple lamang ngunit napakahirap gawin dahil nangangailangan ito ng tunay na lakas ng loob. Ang tunay na pagkakaisa ay nangangailangan ng pagbibitiw sa sarili para sa lahat, at ito ay tinatawag na sakripisyo, kagaya ng ginawa ng ating mga bayani.
Dahil sa ginawa ni Senador Mar Roxas at Ed Panlilio (at ng iba pang susunod sa kanilang ginawa) bagama't 'di man sila magiging pangulo ng ating bansa sa 2010, subalit sa kanilang sakripisyong ginawa sila ay nagiging pangulo sa paraang hindi lahat ng tao ay maaring makakaintindi, ngunit sa mga mata ng mga nakakaintindi nito, ito ay napakarangal at kahanga-hangang bagay.
Mga kababayan, sana sa panahong itinatakda ng Panginoon ay tunay na magkakaisa na tayong muli para sa tunay na pagbabago ng ating bayan.