9/12/2009

Right Platform Protests Much Stronger Than Sleazy Criticisms


Aquino to Palace: "I can’t pretend to see, hear, speak no evil’"

By Philip Tubeza
Philippine Daily Inquirer

Responding to Malacañang’s broadside that he has yet to prove himself, Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III Friday said he could not pretend to “hear no evil, speak no evil and see no evil” in the face of unpunished crimes in the government.

Aquino, who has declared he would seek the presidency next year, said he could not turn a blind eye on the unresolved scandals under President Gloria Macapagal-Arroyo’s administration, including the P723-million fertilizer scam, the $503-million North Rail project, and the $329-million NBN-ZTE deal.

“They want me to hear no evil, speak no evil and see no evil, but I’m obligated to champion the interests of the people. At the end of the day, the people are my masters,” Aquino said in a phone interview.

“My record speaks for itself. I have called attention to acts and policies detrimental to the people’s interest. None were personal attacks,” he said, adding:

“Since they have suggested that I can’t call on my parents’ legacy to criticize the workings of this administration, I assume their suggestion is for me to be quiet and do nothing. If that is the case, I am sorry, I can’t accommodate them.”

Aquino, the only son of the late former President Corazon Aquino and former Sen. Benigno Aquino Jr., has promised to make more efficient use of government resources if he wins the presidency in 2010.

Arroyo spokesperson Gary Olivar said on Thursday that Aquino and other aspirants for the presidency should desist from portraying the 2010 elections as a battle between good and evil.

He said they should not run “at the expense” of Ms Arroyo who, he claimed, had “done her best for this country in the last eight years.”

Strongest threat

Quezon Rep. Lorenzo Tañada III, spokesperson of the Liberal Party (LP) of which Aquino is a member, said Malacañang considered the latter its strongest threat because “Noynoy is the complete opposite of what the administration is doing or stands for.”

Sen. Francis Escudero, himself an aspirant, said reviewing Ms Arroyo’s record was “unavoidable” in the campaign.

“Her government is a benchmark from which we want to make improvements, and the best way to show that is to compare what it is and what it should be, bearing in mind that it should never be personal but issue-based and issue-driven,” Escudero said.

Renato Reyes Jr., secretary general of the militant Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), said an anti-Arroyo stance was “the minimum requirement for a credible presidential run.”

“All those who are serious in contending for the highest position in government must now make it crystal-clear that they are anti-GMA (anti-Arroyo),” Reyes said in a statement.

“An anti-GMA platform will surely connect with the people,” especially because the 2010 elections will be “the judgement” on Ms Arroyo’s nine-year presidency, he said. [...]

Click here to read full text.

----------
Huwag sana si Noynoy dumulog sa mapanirang paraan ng kritisismo na pinag-uudyok ng ibang mga taong bihasang-bihasa sa maling gawaing ito. Sa halip, sa pamamagitan ng kanyang malakas at tumpak na plataporma, ipakita niya ang kanyang malakas na pagtutol sa anumang mga kamaliang maaring nagawa ng kasalukoyang pamumuno. Hindi na niya kailangang magbigkas pa ng kritisismo dahil kung tutuong may mga kamalian at katiwaliang nagawa ang kasalukuyang pamumuno, ito ay alam na alam na ng taombayan at anumang pagalit at diritsong mapanirang kritisismo na galing mismo sa kanya ay maituring na parang isang hiram na lakas.

Kung ang pinupuntirya natin ay ang kasalukoyang pamumuno lamang, ang baba naman ng puntirya natin. Hindi lang dahil sa mga taong kasalukoyang namumuno ang siyang sanhi ng mga problema ng ating bansa, kundi, maliban din sa bolok na mga sistema na dapat ng baguhin, ang isa pa ring pangunahing dahilan ay ang kultura ng kawalang takot lumabag sa batas na siyang bunga ng kawalang tunay na takot sa Panginoon.

Simpleng halimbawa lamang ay ang pamamaraang pag-iwas (na siyang nakasanayang gawain ng mga politiko) sa batas kaugnay sa pagbawal sa maagang pangangampanya. Iniikutan nila ang batas para makalamang. At sa panahon naman ng kampanya hanggang sa araw ng eleksyon, ang mga tao ay lantarang nagbibinta ng kanilang mga boto at ang mga politiko naman ay walang takot na namimili ng boto na para bang walang batas na nagbabawal sa gawaing ito.

Kung ang ating bansa ay maihantulad sa isang katawan, ang mga mamayan nito ay ang iisa't-isang mga selda na bumubuo sa ibat-ibang mga bahagi ng katawang ito at ang iisang dugo na nananalaytay sa mga ugat nito ay may bahid ng sakit ng katiwalian. Kaya bang magawang murahin ng mga kamay na tiwali ang mga paa na hindi man lang sila tatamaan sa kanilang puna? Ang sinumang kumakandidatong lider na kuno ay pagalit at mapanirang namumuna sa mga kamaliang nagawa ng kapwa lider ay parang isang hipokrito. Sino kayang lider na mortal ang mamumuno na wala man lang kamalian o pagkukulang na magawa kahit man lang katiting?

Kung may bahid ng sakit ng katiwalian ang dugo ng ating bansa, ang mabisa at tamang panlunas nito ay katuwiran (o pagkamatuwid) -- katuwiran na bunga ng tunay na pagkakilala at pagmamahal sa Panginoon. Kung may pagkukulang man ang estado, sa bahaging ito ay masasabing may malaking pagkukulang din ang simbahan, at ang pagkukulang na ito ay hindi kayang mapupunuan sa pamamagitan lamang ng pagsali ng mga alagad ng simbahan sa pamumuno sa estado. Ang estado at ang simbahan ay ang dalawang pakpak ng isang bansa na kinakailangan para ito ay matagumpay na makalipad ng maayos tungo sa kasaganaan.

Halos lahat tayo ay magaling sa mapanirang kritisismo, subalit iilan ba sa atin ang talagang marunong humanap ng tamang paraan na makatutugon at makalulutas sa mga problemang ating pinagpupuna? Peru kung talagang nakahiligan na ng iba ang mapanirang kritisismo, e bago man lang sila mamumuna sa kanilang kapwa ay sana kahit papano may kapani-paniwalang solusyon man lang muna silang maipresenta.

Isa sa mga katangian ng isang magaling na lider ay ang pagkamaparaan sa halip na mapagpuna. Walang maidulot na makabubuti ang mapanirang kritisismo kundi ang lalo pang pagkabaha-bahagi ng mga mamayan at ng buong sambayanan. Ang sinumang nag-nanais na mamumuno at nahiligan niya itong masamang gawain na ito ng tradisyonal na mga politiko ay di siya kukulangin nito mula sa mga tao kung saka-sakaling siya ay mananalo at mamumuno na. Sa totoo lang, may darating na punto sa buhay ng sinumang mamumuno na parang pagsisisihan niyang bakit pa siya nagiging pinuno. At sa puntong iyon, hindi niya kayang magkunwari pa na kaya niyang lutasin ang lahat na suliranin sa bansang kanyang maaring pinagkunwariang pagsilbihan. Kakailanganin niya ang tulong ng lahat at hindi ang mapanirang kritisismo na galing sa kanila.

Napakadali ang mag-criticize sa mga maling bagay; napakahirap ang paghanap ng kalutasan nito. May nagsabi na ang mapanirang kritisismo daw ay ang siyang takbuhan ng mga mahihina at kulang sa gawa.